Ayon kay POSD Chief Pilarito Mallillin, may mga natatanggap kasi aniya itong sumbong mula sa mga concerned citizens na may mga nakikitang traysikel na iligal na namamasada. Kanyang sinabi na bagamat tinanggal na ang number coding sa mga pampasaherong traysikel ay mariin pa rin nitong ipinapaalala na bawal ang Kolorum o walang prangkisa at dokumento.
Oras aniya na may makita itong namamasadang traysikel na Colorum ay may kalalagyan ang mahuhuling tsuper.
Paalala muli nito sa mga tricycle drivers na kahit wala ng sinusunod na coding ay sumunod pa rin sa mga ipinatutupad na protocols sa ilalim ng alert level 1.
Isa hanggang tatlong (3) pasahero lamang ang pinapayagang isakay at 15 pesos muna ang pansamantalang minimum fare sa Lungsod.
Ang pag-alis sa number coding scheme ay dahil na rin sa status ng Lungsod na Alert Level 1 kung saan unti-unti ng bumabalik sa normal ang operasyon ng bawat establisyimento ganun na rin ang pagbaba ng bilang ng kaso ng COVID-19 sa Lungsod.