CAUAYAN CITY AIRPORT, WALANG GAANONG PASAHERO

25
Cauayan City, Isabela- Halos wala ng dumadagsang pasahero ngayong Biyernes Santo sa Cauayan City Airport.

Ito ang ibinahaging impormasyon ni PCapt. Julio Maribbay, Chief Aviation Security ng Cauayan City Airport Police Station sa naging panayam ng 98.5 iFM Cauayan sa kanya.

Kanyang sinabi na lalong nabawasan ang bilang ngayon ng mga dumarating at sumasakay na pasahero sa eroplano di tulad noong hindi pa Holy week.

Maituturing naman aniyang ‘peaceful’ ang nasabing paliparan dahil tahimik at normal lang ang operasyon ngayong ginugunita ang mahal na araw.

Gayunman, lagi pa rin nakahanda at alerto ang Cauayan City Airport Police Station sa anumang problema na posibleng maitala ngayong semana santa kung saan mayroon namang security procedures na nakalatag para sa kaligtasan sa mga mananakay.

Samantala, inaasahan na sa susunod na Linggo ang pagdagsa ng mga pasahero lalo na sa mga pulitiko para sa pagpapatuloy ng kanilang pangangampanya.



Nakahanda naman ang Cauayan Airport Police Station sa muling pagdagsa para sa pangangampanya ng mga National Candidates dito sa Lalawigan ng Isabela.

Facebook Comments