Manila, Philippines – Posibleng ginagamit sa pag lulunsad ng terrorismo ang kita sa alahas na ipinupuslit ng mga sindikato sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).
Ayon sa Presidential Anti-Corruption Commission (PACC), ito ay batay sa kanilang natanggap na impormasyon.
Ayon kay PACC Commissioner Greco Belgica, maaring ang jewelry smuggling ay bahagi ng fund raising activity ng ilang mga grupong sangkot sa terrorismo.
Lumutang aniya ito sa gitna ng imbestigasyon sa operasyon ng isang Mimbalawang Bangsa-An Abdullah at ng kanyang asawa na sinasabing sangkot sa jewelry smuggling kung saan nadadawit si Dating Justice Assistant Secretary Moslemen Macarambon.
Sa ₱10 billion aniyang halaga ng mga alahas na naipuslit ng mga sindikato sa NAIA, kalahati nito ang lugi sa buwis ng gobyerno