NBA | Harden, Davis at James mga finalist sa MVP Award

34

New York – Pasok sa short list ng pag-pipilian na Most Valuable Player (MVP) ng regular season ng NBA ay sina James Harden ng Houston Rockets, Anthony Davis ng New Orleans Pelicans at si LeBron James ng Cleveland Cavaliers.

Sa tatlo llamado si Harden dahil responsable ito sa pag-angat ng Houston sa best record sa liga.

Si Davis ay itinuturing na dark horse dahil maganda nitong laro para madala ang Pelicans sa post-season.

Hindi rin matatawara ang nagawa ni James para sa Cavaliers sa kabila ng mga isyu ng koponan at pagpapalit ng player sa kalagitnaan ng season.

Sa Rookie of the Year naman, naglalaban sina Donovan Mitchell ng Utah Jazz, Ben Simmons ng Philadelphia 76ers at Jayson Tatum ng Boston Celtics.

Facebook Comments