Manila, Philippines – Naniniwala si Bayan Muna Rep. Carlos Zarate na posible pa rin ang usaping pangkapayapaan sa pagitan ng gobyerno at National Democratic Front o NDF.
Ayon kay Zarate, ang Communist Party of the Philippines o CPP at New People’s Army o NPA lang ang idineklarang terorista ni Pangulong Duterte.
Hindi aniya kasama dito ang NDF kaya naniniwala si Zarate na may tsyansang magbago ng isip ang Presidente at itulak ang peace process.
Makailang beses na umanong binabawi at itinutuloy ng pamahalaan ang peace process kaya hindi malabong maulit ito.
Aniya, hindi matatapos ang rebelyon kung puro military solution lamang ang gagawin ng gobyerno.
Facebook Comments