Manila, Philippines – Nakatutok ngayon ang National Capital Region Police Office (NCRPO) sa mga Muslim community sa Metro Manila.
Ito ay upang mahigpit na mamonitor ang mga miyembro ng Maute ISIS group na nakatakas mula Marawi na posibleng magpakanlong o magtago sa mga Muslim community
Ayon kay NCRPO Chief Police Director Oscar Albayalde, mayroong 70 Muslim community sa kalakhang Maynila pero ang mas mahigpit na tinututukan nila ay Quiapo Area sa Maynila, Culiat sa Quezon City at Maharlika sa Taguig City.
Paliwanag ni Albayalde, na sa ngayon ay maganda ang ugnayan ng mga Muslim leaders at PNP sa Metro Manila kaya tiwala silang agad na makikipag-ugnayan sa kanila ang mga ito sakaling may presensya ng Maute ISIS sa kanilang komunidad.
Sa kasalukuyan, sinabi ng opisyal na walang namomonitor ang NCRPO na presenya ng Maute ISIS dito sa Metro Manila.
Nanatili aniyang naka full alert ang NCRPO at mahigpit na nakikipag-ugnayan sa Armed Forces of the Philippines upang mapigilan ang panggugulo ng mga nakatakas na Maute ISIS members dito sa Metro Manila.