Mali at walang basehan ang mga assessment na tuluyan nang isinuko ni Vice President Leni Robredo ang posibleng pagkandidato sa pagka-presidente sa 2022 elections.
Paglilinaw ni Senate Minority Leader Franklin Drilon na siya ring Vice Chairman ng Liberal Party o LP, nananatili si Robredo sa mga posibleng maging malakas na kandidato laban sa administrasyon.
Paalala pa ni Drilon, 1 percent lang sa mga survey si Robredo noong tumakbo ito sa pagkabise presidente pero nanalo kaya tiyak na mas malaki ang tsansa niya sa susunod na eleksyon dahil ngayon ay nasa 6 to 8 percent siya sa mga survey.
Ayon kay Drilon, sa ngayon ay determinado si Robredo na bumuo ng malawak na coalition na makakatalo sa matinding makinarya ng magiging manok sa halalan ng administrasyong Duterte.
Paliwanag ni Drilon, layunin nito na lahat ng wala sa panig ng administrasyon ay mapagkaisa para sa 2022.
Sabi ni Drilon, ito ang dahilan kaya nakikipag-usap si Robredo kina Senator Panfilo Lacson at Senator Richard Gordon na kapwa parehong may hindi natitinag na prinsipyo.