Posibleng pagtakbo sa pagkapangulo ni Mayor Sara, hindi ikanabahala ng ilang presidential aspirants

Hindi nabahala ang ilang presidential aspirants sa posibilidad na makatunggali nila si Mayor Sara Duterte-Carpio sa darating na halalan 2022.

Kasunod ito ng pag-atras ni Mayor Sara ng kaniyang pagkandidatura sa ikatlo at huling termino ng pagka-alkalde sa Davao City.

Ayon kay Vice President Leni Robredo, posibleng makabuti pa sa tandem nila ni Senator Francis Pangilinan kung magsasanib sina Mayor Sara at dating Senator Bongbong Marcos.


Para naman kay Manila Mayor Francisco “Isko” Moreno ng Aksyon Demokratiko, hindi siya apektado kung mayroong pinaplano ang kampo ni Mayor Sara.

Habang si Senator Manny Pacquiao ay nagpaabot pa ng good luck message sa anumang plano ni Mayor Sara.

Wala pa namang pahayag si Reporma Standard Bearer Panfilo Lacson pero una na nitong sinabi na nagkasundo sila ng ka-tandem na si Senate President Tito Sotto na iwasang magkomento partikular sa mga galaw ng kalaban sa politika.

Samantala, para naman sa Labor Leader na si Ka Leody De Guzman ay mas mainam na sumabak sa presidential race si Mayor Sara para maiparamdam ng masa ang pagkamuhi sa gobyerno ng kaniyang ama.

Wala namang komento rito si Senator Bato Dela Rosa.

Facebook Comments