Posibleng pananabotahe sa power outages, sinisilip ng DOE

Inaalam na ng Department of Energy (DOE) ang posibleng pananabotahe at ikinokonsidera ang paghahain ng kaso laban sa mga operator ng power plants.

Ito ay kasunod ng tatlong magkakasunod na araw na ang Luzon grid ay isinailalim sa Red Alert bunga ng outages ng ilang power plants na nagdulot ng rotational brownouts.

Ayon kay Energy Secretary Alfonso Cusi, humingi na sila ng tulong sa Energy Regulatory Commission (ERC) at Philippine Competition Commission para silipin nag posibleng sabotage.


Habang hindi natatapos ang imbestigasyon, hindi pa nila malalaman kung ano talaga ang nangyari.

Sinabi naman ni Energy Undersecretary Felix William Fuentebella, ikinokonsidera nila ang pagsasampa ng kaso laban sa mga planta ng kuryenteng lumabag sa polisiya ng kagawaran na nagbabawal sa kanila na magsagawa ng preventive maintenance sa buwan ng Abril, Mayo, at Hunyo – kung saan mataas nag demand sa kuryente dahil sa mainit na panahon.

Facebook Comments