Positibong kaso ng COVID-19 sa Maynila, nasa higit 200 na!

Pumalo na sa 221 ang bilang ng nagpositibong kaso ng Coronavirus disease o COVID-19 sa lungsod ng Maynila.

Sa datos ng Manila Health Department/Manila Emergency Operations Center, nasa 30 na din ang namatay sa sakit habang 17 na ang nakarekober.

Umaabot naman sa 428 ang bilang ng Person Under Investigation o PUI’s.


Pinakaraming naitala ng nagpositibong kaso ng COVID-19 ay sa area ng Sampaloc na mayroong 63 ; 26 sa Tondo District-2 at Tig-23 sa Sta. Ana at sa Sta. Cruz, Maynila.

Nasa 16 naman ang positibong kaso ng COVID-19 sa Malate kung saan 14 sa Tondo District-1 at 13 sa Pandacan.

10 sa Sta. Mesa; Tig-9 sa Binondo, Ermita at Paco habang 3 sa Quaipo at tig-iisa sa san Andres, san Miguel at Baseco Compound

Samantala, ilang mga residente mula sa barangay 50 sa Tondo, Maynila na naapektuhan ng krisis ng covid-19 ang nakatanggap na ng ayudang P8, 0000. 00 sa ilalim ng Social Amelioration Project mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Ngayong araw din ay makakatanggap ng cash assistance na tig-P1, 000.00 ang bawat pamilya sa lungsod ng Maynila.

Ito ay bilang bahagi ng Ordinance No. 8625 o ang City Amelioration Crisis Assistance Fund kung saan mabibigyan ng P1, 000 ang nasa 568,000 pamilya.

Facebook Comments