Cauayan City – Pinaghandaang maigi ng Public Order and Safety Management Office (POSMO) ng Ilagan ang magaganap na Peace Rally ng Iglesia ni Cristo ngayong araw.
Dahil sa inaasahang pagdagsa ng mga rally attendees, isa sa kanilang pinagtuunan ng pansin ay ang pag-aayos ng mga ruta na dadaanan ng mga deligates upang masiguro na tuluy-tuloy pa rin ang magiging daloy ng trapiko sa mga kalsada.
Maliban sa Re-Routing Plan, naglagay rin ng mga signages at markings para sa mga parking zones ng mga attendees mula sa iba’t-ibang lalawigan sa buong Rehiyon Dos.
Layunin ng mga hakbang na ito na maging matagumpay ang isasagawang rally sa pamamagitan ng kanilang buong pusong pagtupad sa kanilang tungkulin.
Facebook Comments