POSO CALASIAO, NAGPAALALA SA MGA MOTORISTANG MATITIGAS ANG ULO

Iba’t-ibang uri ng mga motorista ang madalas masita ng Public Order and Safety Office (POSO) Calasiao dahil sa katigasan ng ulo ng mga ito lalo na sa bahagi ng Calasiao-Dagupan Junction Road na kadalasang nakararanas ng mabigat na daloy ng trapiko.

Sa ekslusibong panayam ng IFM News Dagupan kay POSO Calasiao Base Officer Andaya, isa sa napapansin at kadalasang reklamo ng ibang mga motorista sa kanila ay ang hindi pagbigayan ng daan sa kapwa motorista.

Isa pa rito ang pilit na pag-arangkada ng sasakyan umano kahit pa mayroong nagmamando ng traffic enforcer.

Idinadaing din ng mga POSO Personnel ang tila kawalan ng respeto ng ilang motorista na naninigaw na.

Payo ng pamunuan na mainam ang pagtalima sa mga traffic rules upang maiwasan ang anumang aberya at maibsan ang bagal ng trapikong nararanasan sa mga kakalsadahan.

Samantala, nasa halos limampu namang mga kawani ng hanay ang nakadeploy sa mga lansangan sa Calasiao, at naglalagay ng mas maraming manpower sa bahaging mayroong mas higit na traffic congestion. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments