Mahigpit na babantayan ng Public and Order Safety Office Dagupan ang mga TODA members sa lungsod ng Dagupan kaugnay sa nalalapit na selebrasyon ng Bangus Festival.
Ayon kay POSO Chief Rob Erfe Mejia, iniiwasan ng kanilang tanggapan na maging abusado ang mga tricycle drivers ukol sa paniningil ng pamasahe sa mga turistang magnanais bumisita sa lungsod.
Isa pang iniiwasan ay ang overloading dahil ito ay hindi ipinapayo ng mga otoridad at maaring makapamerwisyo pa.
Samantala, hinihikayat ng POSO Dagupan ang mga turista na isumbong sa kanilang opisina kung makakaranas ng overcharging sa pasahe. | ifmnews
###
###
Facebook Comments