MANILA – Hindi makakalusot ang anumang po-el o postponement of elections na nakatakda sa May 9, 2016, na opsyon ngayon ng Commission on Elections o Comelec.Ayon kay House Committee on Suffrage and Electoral Reforms Chairman Fredenil Castro, nakatalaga na sa Konstitusyon na tuwing ikalawang Lunes ng Mayo, kada tatlo at anim na taon ang magiging halalan sa Pilipinas.Hindi umano pwede ang po-el kung hindi maaamyendahan ang Saligang Batas.Para pa kay Castro, madaling sabihin na pwede ang isang “piecemeal amendment” upang maipagpaliban ang eleksyon.Pero ang totoo, mahirap itong gawin dahil kung ang iba pang panukalang batas ay hindi maipasa ng Kongreso, walang pinagkaiba rito ang pag-amyenda sa Konstitusyon, sa kabuuan man o piecemeal basis.Kung ipipilit ang pag amyenda, mahihirapan aniya ang Kongreso na makabuo din ng quorum. (MISS CONDE BATAC – RMN DZXL 558)
Postponement Of Election, Hindi Pwede Sa Bansa
Facebook Comments