Manila, Philippiners – Sa pamamagitan ng CCTV camera naaresto at nahuli sa akto ang 11 kabataan na gumagamit ng Marijuana sa Lacson Bridge, Sampaloc, Maynila. 8 sa mga naaresto ay napag-alamanang mga menor de edad lamang. Ayon kay Chief Police Senior Inspector Pidencio Saballo Jr., hepe ng MPD Station 4 Drug Enforcement Unit, naalarma sila matapos mapansin ang madalas na pag tambay ng mga kabataan sa nasabing tulay lalo’t dis oras ng gabi. Dahil dito, binantayan nila yung kuha ng CCTV sa lugar at nang makitang kaduda-duda ang kilos ng mga bata agad silang nagpunta sa Lacson Bridge. Sinubukan pang tumakas ng mga kabataan pero dahil nakaabang sa magkabilang dulo ng tulay ang mga pulis naging sigurado ang pagkakadakip sa kanila. Hindi na tumanggi ang mga hinuli at sinabing nagkayayaan sila ng mga barkada kaya napagamit ng droga. Kasong paglabas sa R.A 9165 ang isasampa sa tatlong 18-anyos habang bahala na ang korte magdesisyon sa 8 menor de edad kung kakasuhan pa ba o dadalin DSWD.
POT SESSION | 11 kabataan kabilang ang 8 menor de edad, huli sa Sampaloc, Maynila
Facebook Comments