POULTRY CARETAKER, ARESTADO MATAPOS MAHULIHAN NG MGA BALA AT SHABU SA CHECK POINT SA URBIZTONDO

Nahaharap na sa kaukulang kaso ang isang trenta-dos anyos na Poultry Caretaker, matapos itong mahulian ng mga bala at shabu sa bayan ng Urbiztondo.
Ang suspek ay kinilalang si Benjamin Paraz, residente ng Brgy. Bituag sa nasabing bayan.
Sa imbestigasyon ng PNP, nagsasagawa sila ng checkpoint sa bahagi ng Poblacion nang mapadaan ang suspek sakay ng motor.

Sinita ito dahil walang suot na helmet at dito na tila naging balisa ito hanggang sa itinaas nito ang kanyang damit at nahulog ang anim na mga bala ng baril.
Dito na ito inaresto at nang kapkapan ay tumambad sa kanila ang tatlong sachet ng hinihinalang shabu, na nagkakahalaga naman ng mahigit dalawang libong piso.
Samantala, inihahanda na ngayon ang kasong isasampa laban sa suspek. |ifmnews
Facebook Comments