Nagsagawa ng pagsusuri sa itinatayong Poultry Dressing Plant (PDP) at inspeksyon sa isang Meat Distribution Center (MDC) sa bayan ng Burgos, Pangasinan ang National Meat Inspection Service Regional Technical Operation Center 1 (NMIS RTOC 1) noong Nobyembre 6, 2026.
Sinuri ang kasalukuyang konstruksyon ng nasabing Poultry Dressing Plant, kabilang dito ang panukalang floor plan ng pasilidad upang matiyak na nakasusunod ito sa mga itinakdang pamantayan at teknikal na kinakailangan para sa meat inspection.
Samantala, nagsagawa rin ang NMIS team ng aktuwal na inspeksyon sa pasilidad na nakatakdang magsilbing Meat Distribution Center sa naturang bayan.
Layunin ng mga aktibidad na matiyak na ang mga pasilidad na ginagamit sa pagproseso at distribusyon ng karne ay sumusunod sa mga pamantayan sa kaligtasan at kalidad ng mga produktong karne upang mapangalagaan ang kalusugan at kapakanan ng mga mamimili. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣








