Nakapagtala ng mataas na produksyon ang poultry industry sa unang quarter ng 2024 sa kabila ng mga hamon na dala ng El Nino at mas mataas na input costs.
Ang halaga ng produksyon sa agrikultura at pangisdaan na base sa pare-parehong presyo ng 2018 ay tumaas noong January hanggang March ng 0.05 percent sa P428.99 bilyon dahil malakas na performance ng poultry subsector.
Batay sa datos ng Philippine Statistics Authority (PSA), ang halaga ng poultry production ay tumaas ng 5.9 porsyento sa unang quarter sa P68.76 bilyon, na tumutulong na balansehin ang pagliit ng halaga ng mga pananim, isda at mga hayop sa unang hati ng taon.
Ang mga pagtaas ay naitala sa sa produksyon ng manok, itlog ng manok at itik.
Ayon kay Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel, nakatulong dito ang mga interbensyon at tulong na ibinigay ng gobyerno ba nagbigay-daan sa sektor ng agrikultura na maging mas mahusay sa panahong ito kumpara sa mga panahon noong nakaraan noong nagkaroon ng El Niño.