Tinututukan ng Poverty Regional Program Management Office ng Department of Social Welfare and Development Field Office 1 ang poverty rate na kinabibilangan ng kamakailang pagtataya ng 15.8 na porsyento o higit dalawang daang libong mahihirap na pamilya sa buong Ilocos Region.
Ayon sa tala ng PSA nito lamang Pebrero ng kasalukuyang taon, mayroong 1.07 milyon ang nasa ilalim ng poverty threshold, o ang mga pamilyang walang sapat na panggastos sa pagtustos ng kanilang mga basic needs o mga pangunahing pangangailangan gaya ng pagkain, tubig, tirahan at iba pa.
Ang probinsya naman ng Pangasinan ang may pinakamataas na poverty incidence na may 23.6% sa populasyon habang ang Ilocos Norte naman ay ang may pinakamababang poverty na may 9% na naitala noong nakaraang taon.
Bilang pagtugon, patuloy ang paglunsad ng Zero Hunger Program sa ilalim ng programa ng UN at convergence program na ngayon ng iba’t-ibang ahensya ng gobyerno.
Pangungunahan ito ng DSWD FO1 ng buong Rehiyon na siyang titiyak sa maayos na pagpapatakbo at pagpapatupad ng mga nakahanda pang programa at aktibidad sa ilalim naman ng Enhanced Partnership Against Hunger and Poverty. |ifmnews
Facebook Comments