Poverty rate ng Pilipinas, tataas ng higit 3% dahil sa COVID-19 ayon sa World Bank

Inaasahang tataas ang antas ng kahirapan sa Pilipinas ngayong taon bunsod ng pagbagsak ng ekonomiya dulot ng COVID-19.

Ayon kay World Bank Senior Economist in the Philippines Rong Quian, sa kanilang pagtaya ay tataas ng 3.3% ang poverty rate ng bansa ngayong taon.

Ikinonsidera rito ang dalawang buwan na nawalan ng kita ang mga mahihirap at nasa vulnerable population, at walang social protection measures,


Sinabi ni Quian na ang ipinatupad na Social Amelioration Program (SAP) at wage subsidies ng pamahalaan ay bahagyang napunan lamang ang nawalang kita noong quarantine period.

Tinataya ring aabot sa 1.9% ang pagbaba ng ekonomiya ngayong taon.

Gayumpaman, inaasahang makakaahon muli ang ekonomiya ng bansa sa tinatayang 6.2% sa susunod na taon.

Facebook Comments