Power distributors, dapat alam kung nasaan ang storage facilities ng mga bakuna – DOE

Nagpaalala ang Department of Energy (DOE) sa mga distribution utilities (DUs) na dapat alam nila na mayroong vaccine cold storage facilities sa kanilang nasasakupan para maiwasan ang anumang aberya sa mass immunization program.

Ayon kay DOE Electric Power Industry Management Bureau, dapat pag-igihan ng mga distribution utilities ang pagbabantay sa mga linya ng kuryente.

Ang mga cold storage facilities ay matindi ang pangangailangan sa kuryente.


Dapat aniya tiyakin ng mga power suppliers na hindi mag-aandap-andap ang supply ng kuryente.

Bago ito, ipinag-utos ni Energy Secretary Alfonso Cusi sa mga DUs na tiyaking magiging sapat ang supply ng kuryente sa cold storage at health care facilities sa pamamagitan ng paggamit ng back-up generators at pagkakaroon ng configuration sa distribution system.

Facebook Comments