POWER GIRLS | Namumuong tandem nina Ilocos Norte Gov. Imee Marcos at Davao City Mayor Sara Duterte, usap-usapan ngayon

Manila, Philippines – Usap-usapan sa social media ang namumuong tandem nina Ilocos Norte Governor Imee Marcos at Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio.

Binansagan ng mga netizens ang dalawa bilang ‘Hugpong Girls’ at ‘Power Girls’.

Madalas makita ang dalawang magkasama sa mga okasyon at photo opportunity na nagdulot ng mga katanungan sa kanilang mga taga-sunod kung sila ba ay may balak bumuo ng alyansa o tandem sa hinaharap.


Maituturing na power women sina Governor Marcos at Mayor Sara dahil sa buko sa parehong matalino at malakas ang personalidad, silang dalawa ay parehong presidential daughters.

Si Governor Marcos ay panganay na anak ni dating Pangulong Ferdinand Marcos at si Mayor Sara naman ay panganay ding anak ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Facebook Comments