Power Restoration sa Nasasakupan ng ISELCO II sa Lalawigan ng Isabela, Nasa Higit Walumpung Porisyento Na!

*Cauayan City, Isabela- *Nasa mahigit walumpu’t limang porsiyento na ng supply ng kuryente ang nasasakupan ng ISELCO II matapos ang matinding pagbayo ng Bagyong Rosita sa Lalawigan ng Isabela.

Ito ang ibinahaging impormasyon ni General Manager David Solomon Siquian ng ISELCO II at Chairman ng Philippine Federation of Electric Cooperatives (PHILFECO) kung saan naka-full force na ang mga kooperatiba at unti-unti nang naibabalik ang supply ng kuryente sa mga lugar na sakop ng ISELCO II.

Aniya, Kung matatapos ang lahat ng kanilang coverage sa kanilang nasasakupan ay nakatakda rin silang tumulong sa iba pang mga lugar na matagal ng brownout dahil sa nagdaang bagyo.


Malaking halaga rin aniya ang pakikiisa at pagtulong ng mga ahensya ng gobyerno maging ang mga local officials para sa mas mabilis na power restoration sa mga lugar na naapektuhan ng bagyong Rosita.

Ayon pa kay Siquian, Nakatakda rin ngayong araw ang kanilang pagpupulong kay CAGELCO I Board President Presley De Jesus kasama ang iba’t-ibang asosasyon ng Electric Cooperatives ng Region II o NELECA upang pag-usapan ang massive deployment ng mga tutulong na kooperatiba at hinggil na rin sa kanilang target na maibalik ng isang daang porsiyento ang supply ng kuryente sa buong Lalawigan ng Isabela.

Facebook Comments