Pahayag ng Pangulo na walang ginawa ang oposisyon sa COVID-19 response, pinabulaanan ni VP Robredo

Pinasinungalingan ni Vice President Leni Robredo ang sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na walang ginawa ang oposisyon sa paglaban ng bansa sa COVID-19.

Matatandaang sinabi ni Pangulong Duterte sa huli niyang Talk to the Nation Address na pinalalaki ng oposisyon ang isyu sa West Philippine Sea sa halip na tumulong sa COVID-19 response.

Sa programang Biserbisyong Leni sa RMN Manila, sinabi ni Robredo na maraming tao ang “nabubulag: dahil sa pulitika.


Pero hindi na rin dedepensahan ni Robredo ang mga ginagawa nilang pagtulong sa pandemya dahil walang saysay lamang na pagdebatehan pa ito.

Iginiit ni Robredo na ginagawa nila ang kanilang makakaya na tumulong sa harap ng limitadong resources.

Aniya, kapag may nakita silang pagkukulang ay sinisikap nilang punan ito.

Ang kanilang pamumuna sa mga pagkukulang ng administrasyon sa pagtugon sa pandemya ay walang halong pulitika.

Hindi aniya nakakatulong sa mga tao ang pagtanggap na mayroong pagkukulang ang gobyerno.

Facebook Comments