Pambabatikos sa mga doktor at iba pang healthcare workers sa social media, dapat ihinto – PMA

Umapela ang Philippine Medical Association (PMA) sa publiko na iwasan ang pagpo-post ng negatibong mensahe sa social media patungkol sa mga healthcare workers, partikular sa mga doktor ngayong panahon ng pandemya.

Ito ang pahayag ng PMA sa harap ng mga batikos laban sa mga doktor na kumakalat sa social media.

Sa statement, nababahala ang PMA sa mga kritisismong ibinabato laban sa mga doktor at mga ulat ng malpractice o kapabayaan sa mga pasyenteng may COVID-19.


Iginiit ng PMA na trabaho ng mga doktor na tulungang gumaling ang mga pasyente sa pamamagitan ng ‘best’, ‘available’, ‘effective’, at abot kayang mga gamot at medical procedures.

Paalala ng PMA sa publiko na ang mga doktor at healthcare workers ang kasalukuyang fronliners sa pagtugon sa pandemya.

Ang pamba-bash sa mga doktor sa social media at paghahain ng kaso laban sa kanila ay posibleng mauwi sa pag-aatubili ng mga doktor na gamutin ang mga pasyenteng may COVID-19.

Facebook Comments