PRC, handa nang magsagawa ng COVID-19 vaccination drive sa bansa

Handa na ang Philippine Red Cross (PRC) na magsagawa ng COVID-19 vaccination drive sa buong bansa.

Ayon kay PRC Chairman at Senator Richard Gordon, pinaigting pa lalo ng gobyerno ang effort nito sa rollout ng COVID-19 vaccine sa mga Pilipino lalo’t malapit ng mag-expire ang 1.5 milyon dose ng AstraZeneca sa susunod na buwan.

Aniya, target nilang mabakunahan ang 67,780 indibidwal sa loob ng pitong araw.


Plano rin ng PRC na magtatag ng tatlong bakuna centers sa 103 Red Cross chapter sa bansa na may 300 trained volunteer doctors, nurses at staff upang mangasiwa ng pamamahagi ng COVID-19 vaccine sa mga frontline healthcare workers, senior citizens, persons with co-morbidities, at economic frontline workers na alinsunod sa guidelines ng Department of Health (DOH).

Dagdag naman ni Gordon, nakikipag-usap na rin sila para magkaroon ng sariling suplay ng COVID-19 vaccine at matulungan ang mga pribadong sektor sa kanilang pagbpapabakuna.

Facebook Comments