CDRRMO ALAMINOS, NAKILAHOK SA CAMPUS CARAVAN 2026 SA PSU

Nakibahagi ang City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO) ng Alaminos City sa isinagawang Campus Caravan 2026 sa Pangasinan State University (PSU).

Kita sa mga ibinahaging larawan ang pakikilahok ng gma estudyante sa nasabing aktibidad kung saan malaking tulong bilang karagdagang kasanayan at kaalaman.

Layunin ng aktibidad na palakasin ang kaalaman ng mga estudyante at university community sa disaster preparedness, safety awareness, at resilience.

Sa pamamagitan nito, pinalalakas ang sama-samang paghahanda at pagtutulungan ng komunidad para sa isang mas ligtas at mas disaster-resilient na Alaminos City. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments