Manila, Philippines – Umusad na ang Preliminary Investigation sa Dept of Justice kaugnay ng hiwalay na reklamo ng Bureau of Customs kaugnay ng 6.4-Billion pesos na shabu shipment mula China.
Partikukar ang sinasabing paglabag sa Customs Modernization and Tariff Act o smuggling ng mga respondents ns sina Eireen Mae Tatad, Teejay Marcellana, Mark Taguba, Fidel Anoche Dee, Chen Ju Long aka Richard Tan, Chen Min, Jhu Mhing Jyun, Li Guang Feng aka Manny Li at Dong Shi Yen aka Kenneth Dong.
Dumalo sa pagdinig sina Tatad, Kenneth Dong at Manny Li habang abogado lamang nina Taguba at Marcellana ang humarap sa hearing.
Batay sa reklamo ng BOC Bureau Action Team Against Smugglers group, Nilabag ng mga respondents ang ilang probisyon ng Customs Modernization and Tariff Act dahil sa pag-i-import ng mga ipinagbabawal na produkto.
Itinakda ng DOJ ang susunod na hearing sa November 20 kung saan inaasahang magsusumite ng kanilang kontra-salaysay ang mga respondents.