
Iniurong ng Department of Justice (DOJ) ang preliminary investigation sa kinakaharap na reklamo ni dating Senador Bong Revilla.
Ayon kay DOJ Spokesperson Atty. Polo Martinez, sa Biyernes, March 13 sana nakatakdang ipagpatuloy ang pagdinig.
Pero inilipat ito sa susunod na Martes, March 17 dahil sa ipinatutupad na bagong 4-day workweek arrangement ng mga ahensiya ng gobyerno.
Nahaharap si Revilla sa reklamong plunder kasama ng iba pang respondents na may kaugnayan sa mga maanomalyang flood control projects.
Samantala, bukas naman ang huling araw ng ibinigay na palugit kay Senator Jinggoy Estrada para makapaghain ng kaniyang counter-affidavit sa hiwalay na kinakaharap nitong reklamo.
Sabi ni Martinez, pagkatapos nito ay isusumite na ang kaso para sa resolusyon.










