Preliminary investigation tungkol sa third batch ng complaints kaugnay ng Dengvaxia controversy, itutuloy ng DOJ sa susunod na Linggo

Itutuloy ng Department of Justice (DOJ) sa susunod na Linggo ang preliminary investigation nito ukol sa ikatlong batch ng mga reklamo kaugnay sa pagkamatay ng 13 katao na nabakunahan ng Dengvaxia.

Gaganapin ang pagdinig sa July 11 kung saan ang panel of prosecutors ay pamumunuan ni Senior Assistant State Prosecutor Arnold Magpantay.

Inatasan ang mga respondents na magsumite ng kanilang rejoinders sa nabanggit na petsa.


Tutukuyin na rin sa nakatakdang pagdinig kung isusumite ang kaso para sa resolusyon.

Sa ilalim ng mga complaint, inaakusahan ang mga respondents ng reckless imprudence resulting to homicide, paglabag sa anti-torture  act, paglabag sa Consumer Act of the Philippines.

Kabilang sa mga respondents ay sina Dating Health Sec. Janette Garin, kasalukuyang Health Sec. Francisco Duque III at iba pang opisyal ng DOH, FDA, RITM, maging ang mga executive ng Sanofi Pasteur at local distributor na Zuellig Pharma.

Facebook Comments