PNP, handang arestuhin ang sinumang maghahain ng impeachment complaint laban kay Pangulong Duterte

Handa ang Philippine National Police (PNP) na arestuhin ang sinumang maghahain ng impeachment complaint laban kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Matatandaang nagbanta si Pangulong Duterte na ipapakulong ang mga kritiko nito kasunod ng kanyang pahayag na hahayaang makapangisda ang mga Chinese sa Exclusive Economic Zone ng Pilipinas.

Pero nilinaw ni PNP Chief, PGen. Oscar Albayalde, mangyayari lamang ito kung ipag-uutos ito ng pangulo.


Aniya, kabilang sa mga paglabag na magiging basehan ng pag-aresto ay sedition at libel.

Tiniyak ng PNP na iiral pa rin ang due process sakaling mangyari ito.

Facebook Comments