Manila, Philippines – Kinontra ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre ang rekomendasyon ng Presidential Anti-Corruption Commission laban kina Assistant State Prosecutors Michael John Humarang at Aristotle Reyes, na ngayon ay Lucena Regional Trial Court Judge.
Ayon kay Aguirre, premature ang naturang rekomendasyon ng Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) lalo na’t hindi pa naman talaga tuluyang absuwelto sa drug case sina Peter Lim, Peter Co, Kerwin Espinosa at iba pa.
Aniya, dapat hintayin muna ng PACC ang resulta ng muling pag-aaral sa kaso ng binuo niyang bagong panel of prosecutors.
Bagamat ang nauna aniyang resolusyon ng dating panel ay pirmado ng prosecutor general, ito ay sasailalim pa sa kanyang automatic review at hindi pa ito maituturing na pinal.
Muli ring iginiit ni Aguirre na ang naunang desisyon ay ibinase lang naman ng mga piskal sa mga ebidensya na isinumite sa kanila ng Philippine National Police, Criminal Investigation and Detection Group.
Marikina PIO, naglabas ng abiso kaugnay sa ilang kalsada sa lungsod na apektado ng mga aktibidad ngayong Holy Wednesday.