Premium hike, tuloy ayon sa PhilHealth

Sisimulan na ng Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth) ang pangongolekta ng karagdagang kontribusyon sa mga miyembro ngayong taon.

Batay sa Republic Act No. 11223, o ang The Universal Health Care (UHC) Act, simula 2021 hanggang 2025 magtataas ng .5% kada taon ang kontribyusyon.

Sa ngayon, mula 3.5% magiging 4% na ang dagdag sa kontribyusyon hanggang sa maabot ang 5% limit sa 2025.


Ito ay para maging matatag ang pondo ng PhilHealth na magagamit ng bawat Pilipino sa ilalim ng Universal Health Care (UHC).

Sa nasabing batas, otomatikong miyembro na ng PhilHealth ang lahat ng Pilipino.

Nitong pandemya, marami ang nakitang sa UHC katuyang ang Department of Health at iba pang ahensya.

Tulad na lang ng sa swab test at iba pang atensyong medical.

Marami ring natulungan ang nasabing programa tulad ng mga kalimitang sakit at mga matitinding karamdaman.

Sa ngayon, inaayos pa ang sistema para sa pagpapatupad ng premium hike at maglalabas sila ng guidlines sa mga susunod na araw.

Facebook Comments