Nagka-aberyang 2 VCMs sa Philippine Consulate sa New York, naayos na

Kinumpirma ng Philippine Consulate General sa New York na nagpapatuloy na muli ang ballot feeding operations sa konsulada.

Ito ay matapos ang matagumpay na troubleshooting sa dalawang nagka-aberyang Vote Counting Machines (VCMs)

Masusi ring mino-monitor ng technical team ng Commission on Elections (COMELEC) ang operasyon ng mga makina sa Philippine Consulate.


Patuloy rin ang pagdagsa ng mga rehistradong Pinoy absentee voters mula sa United States Northeast.

Facebook Comments