LOKAL NA PAMAHALAAN NG MANGATAREM NANAWAGAN SA PAGPASOK NG MGA UNAUTHORIZED INDIVIDUALS SA DAANG KALIKASAN

31
Ipinagbabawal ng lokal na pamahalaan ng Mangatarem ang pagpasok ng mga indibidwal na walang paalam sa awtoridad ukol sa pagpunta sa Daang Kalikasan.
Sa inilabas na Executive Order No. 73 ng Alkalde ng bayan ng Mangatarem, dahil sa mga insidente ng sunog dito kinakailangang magpatupad ng mga preventive measures upang maprotektahan ang mga kabundukang hindi apektado.
May mga grupo umano ng mga indibidwal ang nagpupunta sa lugar na walang paalam kung kaya’t agad itong ipinanawagan lokal na pamahalaan.

Binigyang-diin ng lokal na pamahalaan ang peace and order at kaligtasan ng mga residente kasabay ng pagbangon ng ekonomiya sa bayan. | ifmnews
Facebook Comments