Puspusan na ang paghahanda ng Lokal na pamahalaan ng Lungsod ng San Carlos maging ang pamunuan ng simbahan ng Sto. Domingo kaugnay sa magaganap na makasaysayang deklarasyon nito sa darating na Sabado, ika-14 ng Enero taong kasalukuyan.
Pinag-usapan sa naturang pulong ang pagtatalaga ng iba’t ibang mga designations ng trabaho gaya na lamang ng mga magbabantay sa kalsadang isasara, mga daanan ng mga debotong magtutungo sa lugar sa palibot ng simbahan, maging ang pagtatalaga ng kapulisan para seguridad sa lugar at marami pang iba.
Isa itong malaking preparasyon para sa araw ng naturang aktibidad dahil inaasahan na nasa 5,000 katao ang dadagsa sa naturang deklarasyon.
Bilang parte ng solemn declaration bilang Minor Basilica ay magkakaroon ng isang Cultural-Historical Presentation sa Arenas-Resuello Complex mula January 11 hanggang 13 alas-5 ng hapon.
Samantala, itatalagang bilang pangalawang Menor Basilica sa Pangasinan ang simbahang St. Dominic De Guzman Parish Church dahil sa makasaysayan pagkakaroon ng milagro nito sa mag deboto.
Ang pagsisimba sa Minor Basilica ay katumbas ng biyaya na natatanggap mula sa Vatican City. | ifmnews
Facebook Comments