PROJECT PALIKURAN NI JUANA HANDOG NI MAMANG PULIS, INILUNSAD NG PANGASINAN PPO

Naganap ang isang turnover ng Project Palikuran ni Juana handog ni Mamang Pulis sa Brgy. Tangcarang, Alaminos City ng Pangasinan Police Provincial Office.
Mayroong sampung kabahayan na may tatlumpo’t limang indibidwal ang naging benepisyaryo ng nasabing programa.
Layunin ng proyektong ito na matulungan at mabigyan ng maayos na palikuran lalong lalo na ang mga komunidad na kabilang sa marginalized sector sa buong Region 1.

Alinsunod din ito sa Executive No. 70 (NTF-ELCAC) ng gobyerno na nagsasaad ng pagtugon sa mga armadong tunggalian sa pamamagitan ng paghatid ng iba’t-ibang serbisyo sa lipunan. | ifmnews
Facebook Comments