Presensya ng China sa West Philippine Sea, insulto sa kalayaan ng Pilipinas

Ikinalungkot ni Senator Risa Hontiveros na sa paggunita sa ika-123 Araw ng Kalayaan ng Pilipinas, bukod sa pandemya, at lumalalim na resesesyon ay patuloy rin ang banta sa soberanya ng bansa.

Bunsod nito ay nananawagan si Hontiveros sa bawat isa, lalo na sa mga opisyal ng gobyerno na magkaisang manindigan laban sa unti-unting pagguho ng ating soberanya dahil sa patuloy na pag-angkin ng China sa ating mga teritoryo sa West Philippine Sea.

Diin ni Hontiveros, lahat ng ito ay insulto sa kalayaan ng Pilipinas at insulto sa ating mga ninuno na nakipaglaban at nagpakahirap para sa kalayaan na tinatamasa nating mga Pilipino ngayon.


Si Senator Leila de Lima naman ay sa mamamayan na manindigan para sa ating soberanya at kalayaan.

Sabi ni De Lima, makakamit ito sa pamamagitan ng paglaban sa mga namumuno sa bansa na nagsusulong ng karahasan, pagpatay at hindi pagpalag sa China.

Apela ni De Lima sa sambayanan, wakasan ang rehimeng kumikitil sa mamamayan sa sakit, gutom, at dahas gayundin ang paggamit sa mga batas upang gipitin ang mga kritiko at tagapagtanggol ng karapatang pantao.

Hangad din ni De Lima na magwakas ang pandarambong sa kaban ng bayan at ang pagkatuta natin sa China.

Facebook Comments