May malaking pagbabago sa mga residente ng Cebu City sa pagsunod sa ipinatutupad na quarantine rules.
Ito ay matapos na i-deploy ang Special Action Force (SAF) at mga sundalo sa lungsod dahil sa muling pagsasailalim sa Enhanced Community Quarantine (ECQ) bunsod sa mataas na kaso ng COVID-19.
Ayon kay Police Lieutenant General Guillermo Eleazar, Commander ng JTF COVID-Shield, na batay sa kanilang obserbasyon karamihan sa mga residente ngayon ay nananatili na lang sa bahay at iniiwasan na ang mga hindi mahalagang pagbiyahe o paglabas.
Aniya, kagaya ng nangyari sa Metro Manila at ilang lugar sa Luzon, muling napatunayan na ang pagpapadala ng SAF ay nakatutulong para mabawasan ang quarantine violator.
Matatandaang nasa 150 SAF commando ang ipinadala sa Cebu City.
Umaasa naman si Eleazar na magtutuloy-tuloy ang pagiging masunurin ng mga taga-Cebu para bumaba ang nilang ng mga nagpopositibo sa COVID-19
Bukod sa SAF, gumagamit na rin ng 11 drones ang Drone Patrol Units ng Cebu City Police Office para mahigpit na mamo-monitor ng sitwasyon roon.