Presidente ng Brazil, inihayag na hindi siya magpapaturok ng COVID-19 vaccine

603

Inihayag ni Brazilian President Jair Bolsonaro na hindi sya magpapaturok ng COVID-19 vaccine sa kabila ng pagpositibo niya noon sa virus.

Ayon kay Bolsonaro, hindi niya rin oobligahin ang mga residente sa kanilang bansa na magpabakuna.

Bukod diyan, hindi rin daw siya naniniwala sa pagiging epektibo ng face mask para maiwasan ang pagkalat ng COVID-19.


Sa ngayon, nananatili sa ikalawang pwesto ang Brazil sa mga bansang may pinakamaraming nasawi dahil sa nakamamatay na sakit.

Facebook Comments