
Nakatakdang tanggapin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Malacañang si German President Frank-Walter Steinmeier bilang bahagi ng state visit nito sa Pilipinas.
Bibigyan si Steinmeier ng arrival honors sa Kalayaan Grounds bago ang courtesy call at pagpirma sa guest book ng Malacañang.
Susundan ito ng pagpupulong ng dalawang lider kung saan inaasahang pag-uusapan ang pagpapalakas ng ugnayan ng Pilipinas at Germany sa larangan ng kalakalan, pamumuhunan, depensa, maritime cooperation, at renewable energy.
Inaasahan ding masasaksihan ng dalawang pangulo ang paglagda sa mga kasunduan na layong palawakin pa ang kooperasyon ng dalawang bansa bago magsagawa ng joint press conference.
Ang pagbisitang ito ang unang state visit ng isang German head of state sa Pilipinas mula noong 1963.










