Presidente ng Piston, dinamay na ang kaanak ng kanyang miyembro para magsagawa ng kilos protesta ngayong araw

Manila, Philippines – Matigas at hindi nagpapatinag ang grupong Piston na hanggang sa ngayon ay tutol pa rin sa papatupad ng modernization program ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board.

Ito ay kahit pa magkakaroon sila ng rent to own na mga bagong jeepney na babayaran ng 600-800 pesos kada araw o katumbas lamang ng kanilang boundary.

Sa isang text message ni George San Mateo kaugnay sa malawakang kilos protesta ngayong araw sa ibat-ibang panig ng bansa, inutusan ni San Mateo ang kanyang mga miyembro na isali sa pagkilos ang kani-kanilang pamilya maging mga kaibigan.


*Alas*-siyete ngayong umaga magtitipon muna ang grupo sa sa Q.C Circle, mag-mamartsa papuntang Welcome Rotonda at mag-iingay na sa Mendiola.

Sasabayan din ito ng pagkilos sa ibat-ibang bansa tulad sa Davao, Cebu, Bicol Region, Cagayan Valley, Central Luzon at Southern tagalog.

Facebook Comments