PRESIDENTIABLE PING LACSON AT RUNNING MATE NA SI SOTTO, NAGTALUMPATI SA FLAG RAISING CEREMONY NG LGU CAUAYAN

Cauayan, City, Isabela- Nagpahayag ng kani-kanilang mensahe sina Presidentiable Ping Lacson at running mate na si Senator Tito Sotto sa kanilang pakikiisa sa isinagawang flag raising ceremony ng LGU Cauayan bilang pagwelcome na rin sa kanilang pagdating at pangangampanya dito sa Lungsod ng Cauayan.

Pinangunahan ni Cauayan City Mayor Bernard Dy ang pagsalubong at pagpapakilala sa Lacson-Sotto Tandem sa harap ng mga LGU Employees at Officials kasama ang mga tagasuporta na kung saan ay unang nagsalita si Senator at vice presidential candidate Tito Sotto III at ibinahagi ang kanyang naging kontribusyon sa pagkakaroon at pagdiriwang ng CityHood Anniversary ng Cauayan.

Sa talumpati naman ni Presidentiable at senator Ping Lacson, binalikan at ibinahagi nito ang kanyang mga naging karanasan noong siya ay naging pinuno ng PNP Isabela, tatlumput apat na taon na ang nakalipas, na kung saan ay nagpasalamat ito dahil nakaligtas siya sa nangyaring ambush ng mga NPA sa bayan ng Jones, Isabela.

Kaugnay nito, ibinahagi ni Lacson na dapat ay masawata na ang insurhensiya na isa sa mga problema ng bansa. Kumpyansa naman sina Lacson at Sotto na sila dapat ang piliin ng taong bayan na ihalal para sa 2022 elections.

Samantala, naging maayos at mapayapa naman ang ginawang pagdalaw ng Lacson-Sotto tandem para sa kanilang campaign activity sa tulong ng PNP, POSD at Rescue 922 na kung saan ay nagtungo na ang kanilang grupo ngayong hapon sa bayan ng Cabatuan.

, PNP, POSD at Rescue 922

Facebook Comments