Umapela si presidential aspirant at dating Senator Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa pamahalaan na bigyan din ng booster shots ang mga tsuper.
Ito ay sa harap ng unti-unting pagbubukas ng ekonomiya sa gitna ng COVID-19 pandemic.
Ayon kay Marcos, kakailanganin ng driver at operators ng mga public utility vehicle (PUV) ang proteksyon na ibibigay ng booster shots dahil mas lantad sila sa pagkakaroon ng COVID-19.
Hinikayat din ni Marcos ang Department of Transportation (DOTr) na makipagtulungan sa mga transport groups upang masiguro na mas maraming tsuper at mga operator ang mabakunahan laban sa COVID-19.
Matatandaang November 4 nang aprubahan ng Inter-Agency Task Force (IATF) na maitaas sa 70% ang public transport capacity sa bansa.
Facebook Comments