Presidential aspirant Sen. Panfilo Lacson, naniniwalang may kahinaan ang pamimigay ng fuel coupons sa mga tsuper

Naniniwala si presidential aspirant at Senator Panfilo “Ping” Lacson na hindi solusyon ang pamimigay ng fuel coupons sa driver para maitawid sila sa gitna ng sunod-sunod na pagtaas ng produktong petrolyo.

Ayon kay Lacson, posible kasing hindi makarating sa tunay na nangangailangan na mga tsuper ang naturang ayuda.

Paliwanag pa ni Lacson na pwede mapasakamay lang ng mga piniling kakilala ang fuel coupons.


Binigyang diin ni Lacson na hindi katulad ng mga subsidiya na mayroon ng mga listahan ng mga benepisaryo, pero dito sa fuel coupons walang ganitong mekanismo.

Facebook Comments