Ana Jalandoni, nagsalita na matapos bugbugin ng nobyong si Kit Thompson

585

Nagsalita na sa ang sexy actress na si Ana Jalandoni, ilang oras matapos siyang ma-rescue ng mga otoridad sa kanyang nobyo na si Kit Thompson.

Sa kanyang Facebook post, ibinahagi ni Ana ang kanyang kalungkutan dahil sa nakaranas siya ng pagmamalupit sa kanyang nobyo.

Say nito, kapag mahal mo ang isang tao hinding hindi mo siya sasaktan.


Ipinost din nito ang kanyang larawan kung saan makikita ang mga pasa sa mukha.

Samantala, iginiit naman ng management ni Kit na Cornerstone Entertainment na hindi nila kinukunsinti ang anumang pang-aabuso at lubos nilang pinahahalagahan ang dignidad ng kababaihan.

Facebook Comments