Titiyakin ni presidential candidate at Senador Panfilo “Ping” Lacson na mapupunta sa tamang proyekto ang paggamit ng pork barrel at tatanggalin nito ang komisyon na siyang nagpapahirap sa mga Pilipino.
Ayon kay Lacson, may ruling aniya na ang Supreme Court tungkol sa pork barrel kung saan ipinapaliwanag nila kung ano ang pork barrel at ito’y naipatupad na kaya’t hindi pwedeng ipagbawal ang hindi naman unconstitutional.
Paliwanag ni Lacson, sa tingin niya nasa kapangyarihan o impluwensya ng pangulo ng bansa upang mabawasan kung hindi muna tuluyang mawala ang korapsyon sa bansa.
Binigyang diin pa ni Lacson na panahon pa ng mga ninuno natin ay mayroon ng korapsyon pero hindi aniya imposible na trabaho na mawala ang korapsyon para man lang aniya umasenso ang bansa at makinabang ang susunod na henerasyon ng mga Pilipino.