Presidential Spokesperson Salvador Panelo, tinanggap ang hamon na mag-commute papasok sa trabaho

Matapang na tinanggap ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo ang hamon ng isang militanteng grupo na mag-commute siya papasok ng Malacañan.

Ito’y matapos sabihin ni panelo na walang krisis sa pampublikong transportasyon sa Pilipinas.

Ayon kay Panelo, bukas, ay sasakay siya ng Jeep at LRT para makapasok sa kanyang opisina.


Pero nanindigan si Panelo sa kanyang naunang pahayag dahil nakakarating pa rin ang mga tao sa kanilang destinasyon.

Para aniya hindi maipit sa traffic, gumising na lang ng maaga.

Nabatid na ang hamon kay Panelo ay galing sa grupong anakbayan upang maranasan ng tagapagsalita ni Pangulong Rodrigo Duterte ang katakot-takot na pagko-commute sa Metro Manila.

Maliban kay Panelo, hinamon din ng anakbayan si Pangulong Duterte, transportation sec. Arthur Tugade, at MMDA Spokesperson Celine Pialago.

Facebook Comments