
Nanghihinayang ang ilan sa mga motorista, dahil kinailangan na nilang magpakarga ng langis bago pa ipatupad ang rollback ngayong Martes, April 14.
Gaya na lang ni Isidro Bautista, 58 taong gulang, na isang certified security professional, na nagtatrabaho Bacoor, Cavite kaya maagang bumabyahe.
Samantala, maagang nagpakarga ng gas si Albert Quezada, 51, isang TNVS driver, dahil hindi niya alam na may rollback pala sa presyo ng langis ngayong linggo.
Sa ngayon, nasa ₱119.10 ang presyo kada litro ng diesel dito sa Petron sa may Philcoa, Quezon City; ₱83.50 ang gasolina, at ₱153.90 naman ang kerosene.
Facebook Comments










