Manila, Philippines – Aprubado na sa ikalawang pagbasa ng Kamara ang press freedom bill.
Sa house bill no. 684, palalawakin ang proteksyon sa mga media practitioner na huwag ihayag ang pinagkukunan nila ng balita at impormasyon.
Nakasaad din dito na kabilang lang sa bibigyan ng proteksyon ay ang mga accredited media organization o entity.
Maliban dito, ipinanukala rin nina Cong. Raul Delmar ng Cebu at Harlin Abayon ng aangat tayo party list na amyendahan ang luma nang republic act 53 o Sotto law na pabor lang sa print media at walang sapat na proteksyon sa kasong libel.
Ang Sotto law ay inakda ni dating Senador Vicente Sotto, ang lolo ni Senador Tito Sotto III.
DZXL558
Facebook Comments